TULONG, PATULOY NA NAIPAPAMAHAGI SA NASALANTA NG BAGYONG OPONG

02 October 2025 | News by PISD

Nasa 175 pamilya mula sa mga barangay ng Gamao, Pinagsabangan I at II, at Barcenaga ang nabigyan ng relief goods kahapon, Oktubre 1.

Ito ay bahagi ng atas ni Governor Bonz Dolor kay PDRRM Officer Vinscent Gahol at PSWD Officer Zarah C Magboo na kanyang mga opisyal na kinatawan sa pamamahagi upang tiyaking walang maiiwan sa pagtugon sa epekto ng Bagyong Opong.

Patuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Panlalawigan para suportahan ang iba pang mga lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Photo: Ops Div Pdrrmo Ormin

I -click ang link: https://www.facebook.com/share/p/14MJcaoEQ15/

#thecapitolnews