Libreng serbisyo para sa mga kawani ng Kapitolyo, tampok sa Employees’ Day 2025

02 October 2025 | News by PISD

Bilang pagpapahalaga sa paglilingkod ng lahat ng mga kawani ng Kapitolyo, tampok din sa selebrasyon ng 2025 Employees’ Day ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagkakaloob ng mga libreng serbisyo tulad ng masahe, manicure, pedicure, at libreng gupit mula 02-03 Oktubre 2025 sa Mangyan Hall at Tamaraw Hall sa loob ng Kapitolyo.

Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaaryo ng Philippine Civil Service at ng mga gawain para sa 75th Founding Anniversary ng Oriental Mindoro.

Ang 2-day Wellness Activity para sa mga empleyado ay pinangangasiwaan ng mga kawani ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), sa pangunguna ni PHRM Officer Anna Marie DC Reyes.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0cY7F2Y2ZkpGCiyUY44Nc4JfnTcKofaFSPLkQLM3q5BNr5pwSvHmu2mbQS8aAP9tEl?rdid=w5nnOvR0FE67HuyF#