?????????? ?????? ????? ??? ??????? ???????, ?????????

01 October 2025 | News by PISD

Isinagawa ngayong araw ang Provincial Health Board 3rd Quarter Meeting upang talakayin ang higit na pagsasaayos ng implementasyon at pagpapaulad ng mga programang pangkalusugan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Pinungunahan ang nasabing pagpupulong ng Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Dr. Cielo Angela A. Ante, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa government hospitals, mga ahensya ng gobyerno, at iba pang katuwang na sektor ng pangkalusugan.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong ang Special Health Fund (SHF) ukol sa mga pondong nakalaan para sa serbisyong pangkalusugan, PhilHealth (Yaman at Kalusugan Program) YAKAP, mga inisyatiba upang maiwasan ang pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), at iba pang mahahalagang usapin.

Kabilang naman sa mga dumalo si Bokal Alexandra “Alely” Casubuan na siyang Vice-Chair ng Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0C8xreNAwwiFRG4tVj2Je3kSwvoGAjSVi5pszGiivVuMW5F9spyiWkrM94jYHEB2Al?rdid=CPKW2DPCKgVUHzDy#