Patuloy pa rin ang masigasig na pag-iikot ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bayan, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito”Bonz’ Dolor

29 September 2025 | News by PISD

Patuloy pa rin ang masigasig na pag-iikot ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga bayan, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito”Bonz’ Dolor, hindi lamang upang maghatid ng tulong, kundi upang ipadama ang malasakit sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Opong.

Sa ikatlong araw, ang bayan naman ng Pinamalayan ang hinandugan ng tulong, kung saan kasalukuyang namamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan sa Brgy. Anoling.

Higit 500 pamilya mula sa nasabing brgy. ang bibigyan ng relief goods.

Katuwang pa rin ng Gobernador sa pamamahagi ang mga tanggapan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Provincial Health Office (PHO).

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02XFmjvMpNZuYbVDTDJsrgoQPJa7qJX1zCTYNpjtHBzqStXWpAA23Hq7RHQ6bFHCsSl?rdid=qc6x6hbiN778GEpL#