Higit 900 pamilya ang nabigyan ng relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan sa Brgy. Sta. Rita Isabel Pinamalayan.

29 September 2025 | News by PISD

Matapos ang pamamahagi ng tulong sa Brgy.Anoling, sunod na tinungo ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor ngayong araw ang Brgy. Sta Isabel sa bayan pa rin ng Pinamalayan, upang ipagpatuloy ang paghahatid ng tulong sa mga mamamayan doon na labis na naapektuhan ng Bagyong Opong.

Higit 900 pamilya ang nabigyan ng relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan sa nasabing barangay.

Patuloy rin ang pamamahagi ng Provincial Health Office (PHO) ng mga gamot para sa mga residente.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02pWgWTLgdPucNCcQzuVtmQxrv3dxHBXmezCUUN5RhSQ1M5TxFMXGaizMQHz4T19WDl?rdid=aXMTjT86Prn4LFql#