29 September 2025 | News by PISD

Muling idineklara ang State of Calamity sa lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong ika-29 ng Setyembre dahil sa lawak ng pinsala ng nagdaang bagyong #OpongPH sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.
Ngunit bago ito naisakatuparan, inalis muna ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang isinagawang sesyon ang nakaraang deklarasyon nito noong ika-25 ng Hulyo nang manalasa ang bagyong #EmongPH at habagat.
Ito ay alinsunod sa kahilingan ni Gobernador Humerlito “Bonz†A. Dolor upang magamit ang Quick Response Fund ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga lubos na naapektuhan ng bagyong #OpongPH.
