2 September 2025 | News by PISD

Nagsanib-pwersa ang mga hepe at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan at Sangguniang Panlalawigan kasama ang mga nagboluntaryo at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagre-repack nito ngayong ika-27 ng Setyembre 2025.
Sa halip na magpahinga sa kani-kanilang mga tahanan dahil araw ng Sabado, pinili ng mga ito na ialay ang kanilang oras para tumulong sa pagpapake ng relief goods. Hindi alintana ang pagod na kanilang naranasan na malinaw na simbolo ng pagmamalasakit sa kapwa.
Sa kabila ng pinsalang dulot ng bagyong #OpongPH sa lalawigan, nananatiling matatag at solido ang ating komunidad. Ito ay patunay na ang pagtutulungan at pagkakaisa ang nagbubuklod sa atin upang sama-samang bumangon at harapin ang bukas.
Source: https://www.facebook.com/100064587706800/posts/1212986100864302/
