“??????????????, ????????? ?? ???-???” ???. ????? ??????? ?? ?????? ???? ?? ????? ??????? ???????? ?? ???????? ???????

08 September 2025 | News by PISD

Humarap ngayong araw si Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor sa Senado kaugnay ng mga reklamong iregularidad sa implementasyon ng iba’t ibang flood control projects sa lalawigan.

Ipinakita ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor ang mga dokumento at mga litrato ng mga proyekto na pinondohan ng pamahalaan na ngayon aniya’y naging simbolo ng panghihinayang ng mga mamamayan dahil sa salaping inilaan sa mga proyektong nasayang. Panlulumo dahil sa umano’y substandard, over-priced at kulang-kulang na pagkakagawa sa mga proyekto na nagreresulta sa dagdag na pinsala at pahirap sa mga mamamayan tuwing bumabaha.

Inihayag niya ito sa harap ni Senador Rodante Marcoleta, Chairperson ng Blue Ribbon Committee at sa iba pang mga senador at konsernadong indibidwal na kaisa sa isinasagawang Public Hearing sa Senado.

Ayon sa Gobernador, sa kabila nito ay tinatanaw pa rin niya ang pag-asa na sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Senado, matuldukan ang maling pamamalakad at agarang maisaayos ang proyektong tunay na magbibigay proteksyon sa mga mamamayan ng lalawigan at ng bansa.

Video Courtesy: Senate of the Philippines

Source: https://www.facebook.com/watch/?mibextid=wwXIfr&v=1529085825170565&rdid=C3mhQRs6xUEmhp5P