OPISYAL NA PAHAYAG NG PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (PDRRMO) SA ISANG FAKE NEWS SA SOCIAL MEDIA

31 August 2025 | News by PDRRMO

Pinapabulaanan ng aming tanggapan ang post ng One News PHL, Daily Reporter, PHL Daily at Daily Star, mga Facebook pages, na naglabas ng mga posts patungkol sa dredging na sanhi diumano ng mga pagbaha at landslide sa lalawigan.

Unang-una, wala pong insidente ng landslide na naganap sa mga proposed areas ng River Restoration Project dito sa ating lalawigan gaya ng sa Balete, Gloria at Alag, Baco. Ang lahat ng mga insidente sa lalawigan ay nakapaloob sa mga tinatawag na incident reports na nagmumula sa mga City/Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at tinatanggap ng PDRRMO para sa kaukulang mga hakbangin.

Ang huling insidente ng pagbaha at mga minor landslides/rockslide at soil/ground erosions ay dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalakas ng mga Bagyong Dante at Emong noong. Hulyo 2025 at ito ay naganap sa Puerto Galera (8 insidente), San Teodoro (3 insidente), Socorro (1 insidente) at sa Bongabong (1 insidente).

Nananawagan tayo sa netizens na maging mapagsuri sa mga posts sa social media at maging aktibong katuwang, ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga tamang impormasyon.

Maraming salamat po.

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=794527639589398&id=100070965074504&mibextid=wwXIfr&rdid=IQ8H6Ipn0NACqdZr#