28 August 2025 | News by PISD

Kasabay ng isinasagawang renovation sa loob ng gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ay ang pagsasaayos din ng Out- Patient Department (OPD) nito upang maging malinis, presentable, at maginhawa para sa mga pasyenteng patuloy na dumadagsa rito para magpa check-up.
Ito ay inisyatiba ng bagong pamunuan ng ospital sa pangunguna ni Chief of Hospital Officer-in-Charge Dr. Cielo Angela Ante bilang maagap na tugon sa tagubilin ni Governor Bonz Dolor.
Layunin ng pagkukumpuni na mapabuti ang kapaligiran sa OPD, na kabilang sa mga pangunahing dinadaanan ng tinatayang 250-300 na mga pasyente. Kabilang sa mga bahagi nito ay ang waiting area, kisame, ventilation at kabuuang kaayusan ng lugar.
Nananatili namang operational ang OPD at iba pang mga serbisyo sa OMPH sa kabila ng ginagawang renovation at pagsasaayos ng ilang bahagi nito.
Inaasahang magpapatuloy ang iba pang hakbangin upang unti-unti ay mas mapabuti ang mga pasilidad ng ospital para sa kapakanan ng mga dinadalang pasyente rito mula sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan.
OMPH Official FB page
