Isinagawa ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ang paglilinis ng kani-kanilang mga opisina alinsunod sa 3 O’clock Last Friday Habit para sa buwan ng Agosto

29 August 2025 | News by PISD

Sa ilalim ng Memorandum No. 12, Series of 2025 na ibinaba ni Gov. Dolor, ang gawaing ito ay naglalayong panatilihin ang maayos, kaaya-aya, at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan at empleyado ng Kapitolyo.

Patuloy na isasagawa ang ganitong aktibidad tuwing huling Byernes ng bawat buwan, sa ganap na ika-3:00 hanggang ika-5:00 ng hapon, upang maitiyak ang kalinisan sa loob at labas ng mga opisina sa Kapitolyo.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1188309156665330&id=100064587706800&mibextid=wwXIfr&rdid=YyHclIZCPmDqukhw#