Dumalo sa isang salu-salo kagabi si Governor Bonz Dolor, kasama ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Junior Officials na ginanap sa La Terraza ng Plaza Del Gobernador

29 August 2025 | News by PISD

Isa-isang binati ng Gobernador ang mga kabataang lider, at kaniyang ipinakita ang kanyang kasayahan na makasama ang mga ito bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan (LNK), at ng kanilang pansamantalang pananatili sa Pamahalaang Panlalawigan na magtatapos ngayong araw, Agosto 29.

Kasama ni Gov. Bonz si First Lady Hiyas Govinda Dolor na lubos din ang kagalakan na makita ang mga kabataan.

Dumalo rin dito si Maria Nenita Dela Cruz-Dalupan, Chief of Staff ng Tanggapan ng Gobernador at ang mga opisyales ng National Movement for Young Legislation (NMYL) ng lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1188106913352221&id=100064587706800&mibextid=wwXIfr&rdid=sa8clSjbLzVfSFLV#