27 August 2025 | News by OMPH

Patuloy ang ating community-based program na DM Club sa pagsuporta at pagharap sa hamon ng Diabetes Mellitus. Sa tulong ng ating DM Core Group at ng ating institusyon:
Pinag-aralan ang mga karanasan at katangian ng ating samahan
Tinukoy ang mga isyung dapat bigyang-pansin
Nagtulungan sa pagbuo ng mga programang akma sa pangangailangan ng bawat isa
Ngayong araw, isinagawa natin ang isang makabuluhang aktibidad para sa holistic disease management ng komunidad:
Lay forum hinggil sa paninigarilyo + pamamahagi ng health guides
Psychosocial support
Medical management
Nutritional Assessment & Diet counselling
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay-suporta! Patunay ito na ang DM Club ay bunga ng pagkakaisa, isang adhikain tungo sa mas malusog at mas matatag na komunidad.
