???? ???????? ???? ????????, i???????? ?? ???????? ???????

29 August 2025 | News by PISD

Masayang binati ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang mga delegado ng Provincial Employment Services Office (PESO) MIMAROPA na dumalo sa tatlong araw na selebrasyon ng 19th Regional PESO Congress mula Agosto 27-29 sa lalawigan.

Pinangunahan ng PESO Oriental Mindoro ang nasabing pagdiriwang sa pamumuno ni PESO Manager Antonio M. Magnaye Jr. na dinaluhan ng mga delagado mula sa Occidental Mindoro, Palawan, Marinduque, at Romblon.

Layunin ng pagtitipon na pag-usapan ang tungkol sa pagpapalawig ng mga serbisyo at programa ng pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan, at ang pagpapaigting ng kooperasyon sa pagitan ng mga pamunuan ng PESO at Local Government Units (LGUs) sa rehiyon.

Kabilang sa mga dumalo ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) MIMAROPA,Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at ang mga myembro ng Federation of MIMAROPA PESO Managers Association Inc. sa pamumuno ni Cindrela S. Palomar bilang Pangulo.

Kasama naman ng Gobernador na dumalo si First Lady Hiyas Govinda Dolor.

Binigyang-parangal din sa programa ang ilang kawani ng PESO sa rehiyon bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon at sigasig sa paglilingkod sa loob ng maraming taon.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ng Gobernador ang PESO sa paghahatid ng kanilang serbisyo, at ipinahayag ang kaniyang suporta sa programang ito na tiyak niyang magiging makabuluhan at makatutulong upang higit na mapaunlad ang serbisyo ng pagbibigay-oportunidad sa mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1188114503351462&id=100064587706800&mibextid=wwXIfr&rdid=IOTgMGL6grqu2L7H#