18 August 2025 | News by PISD

Nakipag-ugnayan ang PG-ENRO at iba pang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na katuwang sa implementasyon ng programang Phil. Rural Development Project (PRDP) sa mga Pamahalaang Barangay at Munisipalidad ng Bansud, Victoria at Socorro kaugnay ng panukalang Farm to Market Road (FMR) subproject para sa Rosacarra, Bansud at Merit, Victoria hanggang Bugtong na Toog, Socorro.
Tinalakay ng mga myembro sa mga opisyales ng mga barangay at munisipyo ang hinggil sa Socio and Environmental Safeguards (SES), pag-update ng mga dokumento, pormularyo at mga sertipikasyon para sa mga bagong pamantayam sa ilalim ng PRDP Scale-up.
