Nakiisa ang PG-ENRO sa isinagawang checkpoint activity ng Task Force Sagip Kalikasan (SAKAL)

18 August 2025 | News by PISD

Nakiisa ang PG-ENRO sa isinagawang checkpoint activity ng Task Force Sagip Kalikasan (SAKAL) sa kahabaan ng National Highway ng Pinagsabangan sa bayan ng Naujan noong ika-31 ng Hulyo, 2025. Ito ay bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga batas-pangkalikasan lalo na ng PD 705 o Forestry Laws, mga ordinansang umiiral sa lalawigan tulad ng Provincial Ordinance No. 015-2011 o Anti-Charcoal Transportation Ordinance at pagtitiyak ng pagsunod ng mga embarkador sa mga rekisitos kaugnay ng pagbibyahe ng allowed mineral aggregates palabas ng lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/100064587706800/posts/1179993507496895/?rdid=Lw0c1nqWKjsRYLMn#