26 August 2025 | News by PISD

Ipinakilala ni Sangguniang Kabataan Federation (SKPF) President at Sangguniang Panlalawigan Ex-Officio Member Bokal Jhane Andhraei Mhey Dolor ang mga bagong halal na Junior Official bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo.
Layunin ng gawaing ito na bigyang-daan ang mas malalim na partisipasyon ng mga kabataan sa pamahalaan at maipadama sa kanila ang tunay na diwa ng pagiging isang lingkod-bayan.
Ang mga napiling Junior Officials ay gaganap bilang mga opisyal ng lalawigan gayundin ng ilang mga hepe ng iba’t ibang tanggapan sa Kapitolyo. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng pagkakataong maranasan ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga posisyon na gagampanan.
