?????????? ????? ?? ??????????, i???????? ?? ???????? ???????

20 August 2025 | News by PISD

Nagsagawa ng Technology Forum on Beekeeping Propagation, Promotion, and Marketing ang Pamahalaang Panlalawigan upang palakasin ang kaalaman ng mga kooperatiba mula sa iba’t ibang bayan sa Oriental Mindoro sa modernong pamamaraan ng beekeeping.

Pinangunahan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) na pinamunuan ni PCD Officer Orlando B. Tizon ang programa, kung saan tampok si Ms. Ramona M. Pastor, Proprietor ng H and N Organic Farm, bilang pangunahing tagapagsalita.

Dito, tinalakay ang mahahalagang estratehiya sa epektibong pangangalaga at pagpaparami ng mga pukyutan gamit ang makabagong teknolohiya, gayundin ang mga mabisang pamamaraan ng pagsusulong sa merkado ng mga produktong mula rito.

Layunin din ng programa na tulungan ang mga mamamayan na magkaroon ng matagumpay na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders upang suportahan ang pagtataguyod ng mga lokal na negosyo ng bee-based products.

Sa pamamagitan ng programang ito na isinusulong ng pamunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, inaasahan na higit pang mapapalakas ang industriya ng apikultura sa mga komunidad, at madaragdagan ang mga mamamayang mahihikayat na pasukin ang ganitong klase ng hanapbuhay sa Oriental Mindoro.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid043Lfhc7DevzbXSWxL2swJ5QaDVNXCjGwP8BNPfTJQJcJhqQr2Zo2q8kSKoyisrxLl?rdid=lHptEfbLh9It94Nq#