???? ?? ????? ?? ????? ?????? ?????????????, ??????? ?? ??. ???.

18 August 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa kapakanan ng mamamayang Mindoreño, lalo’t higit ng mga kabataan, ibinaba ang edad ng indibidwal sa batas na nagbabawal sa pagpapalaganap ng anumang uri ng paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Oriental Mindoro.

Sa bisa ng Provincial Ordinance No. 189-2025, inamyendahan ang Provincial Ordinance No. 178-2024, “An Ordinance Prohibiting the Use, Sale, Distribution and Advertisement of Cigarettes and Other Tobacco Products, and Electronic Cigarettes in Certain Places; Imposing Penalties for Violations Thereof and Providing Funds Therefor, and For Other Purposes” , na ipinasa sa ginanap na 11th SP Regular Session noong Marso 14.

Ayon sa bagong ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

Section 5.5 – Ang pagbebenta at pamamahagi ng sigarilyo at iba pang tobacco products, pati na rin ng Electronic Nicotine Delivery Systems (ENDS) o E-cigarettes sa mga WALA PANG 18 TAONG GULANG.

Section 5.6 – Ang pagbili ng tobacco products at ENDS mula sa MGA KABATAANG NASA EDAD 17 PABABA.

Section 5.7 – Ang pag-utos, pagpilit, o pagbibigay ng anumang gawain sa mga kabataan na may kinalaman sa paggamit, pagbili, pagbenta, pamamahagi, pag-deliver, pag-advertise o pag-promote ng sigarilyo at vape.

Layunin ng batas na ito na mapanatili ang maayos na kalusugan ng mamamayan at masiguradong protektado ang kinabukasan ng mga kabataan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0251U8eCkD1NttoL3WoHfXDMkgGPVp9P5ndCCpubqSZSZnXft2yqPrK5G4XvBeFbodl?rdid=6JrXvTgIidwMbF0p#