13 August 2025 | News by PISD

Kasabay ng adhikain ni Governor Bonz Dolor na tuluyang maisakatuparan at higit pang mapalawig ang mga proyektong pangkaunlaran para sa Oriental Mindoro, isinagawa ngayong araw ang Sectoral Meeting para sa mga paghahandang gagawin kaugnay sa paglalatag ng Annual Investment Program (AIP) at Provincial Development Investment Program (PDIP) ng lalawigan.
Pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pangunguna ni OIC EnP Jose Maria S. Dalupan.
Nakiisa sa gawain ang sectoral heads na sina Provincial Budget Officer May Anne Joy M. Ylagan, Chairperson ng General Public Services Sector (GPSS), Provincial Social Welfare and Development Officer Zarah C. Magboo, Chairperson ng Social Services Sector (SSS), EnP Lily Mae E. Lim, Officer in-charge ng PG-Environment and Natural Resources Office para sa Environmental Sector, Provincial Engr. Edylou B. Tejido ng Infrastracture Sub-sector, at PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, Chairperson ng Other Services Sector (OSS).
Dumalo rin dito ang iba pang mga hepe ng mga departamento sa Kapitolyo, kasama ang kani-kanilang Administrative Officers (AOs) at AIP preparers.
Dito, binigyang-diin ni OIC-PPDO EnP Dalupan ang kahalagan ng maayos na pagpaplano sa proseso ng implementasyon. Hinikayat niya ang bawat sector na magkaroon ng masusing pag-aaral tungkol sa mga planong proyekto at itiyak ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng bawat isa.
Layunin ng AIP na maisakatuparan ang pagbibigay ng kinakailangang pondo sa mga panukalang programa sa loob ng isang taon. Samantala, sumasaklaw naman ang PDIP sa tatlong taong investment planning para sa mga proposed projects sa lalawigan.
