7 August 2025 | News by PISD
Bilang tugon sa atas ni Provincial Cooperative Development Officer Orlando B. Tizon na magsulong ng alternatibong kabuhayan para sa mga kooperatiba, nakipag-ugnayan ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO) sa BFAR MIMAROPA upang talakayin ang posibilidad ng isang proyektong pang-uusdaan o ulang farming.
Ang hakbanging ito ay alinsunod din sa mandato ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni Gov. Humerlito “Bonz†A. Dolor na itaguyod ang inklusibong kaunlaran at mas maraming oportunidad sa kabuhayan para sa mga Mindoreño, partikular sa sektor ng kooperatiba.
Pinangunahan nina Ms. Maricris Capino at G. Leocris Manaig ng PCDO ang pakikipagpulong sa BFAR MIMAROPA at tinanggap nina Mam Cristina Acedera mula sa Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division at Sir Julius Rodriguez mula sa Office of the Regional Director. Sa pagpupulong, iminungkahi ang pagsasagawa ng Orientation Forum on Ulang Farming para sa mga miyembro ng kooperatiba sa Oriental Mindoro.
Ang ulang (Macrobrachium rosenbergii) ay isang uri ng giant freshwater prawn na may mataas na halaga sa merkado. Maaari itong alagaan sa maliliit na palaisdaan at may potensyal na maging pangunahing pinagkakakitaan ng mga kooperatiba.
Sa tulong ng BFAR, maaari ring maibigay ang suporta tulad ng fingerlings, training, at teknikal na tulong.
Ang nasabing forum ay nakikitang unang hakbang sa paglinang ng alternatibong kabuhayan sa ilalim ng programang “Dagdag Kaunlaran, Dagdag Kabuhayan sa mga Kooperatiba†ng PCDO — isang hakbanging nakaangkla sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na suportahan ang mga kooperatiba bilang katuwang sa pagpapaunlad ng kabuhayan, kabuhayan, at komunidad.
