Patuloy na paghahatid ng serbisyong maramihang pagtuturok ng bakuna laban sa Rabies

11 August 2025 | News by ProVet

Patuloy ang paghahatid ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng serbisyong maramihang pagtuturok ng bakuna laban sa Rabies (???? ?????? ???????????) sa mga alagang aso’t pusa. Ginanap ang malawakang pagbabakuna ng mga aso’t pusa sa bayan ng Gloria noong ?????? ?-?, ????. Ang layon ng aktibidad na ito ay para makagawa ng proteksyon ang mga alagang aso at pusa kontra sa Rabies, nang sa gayon, mapigil ang pagkalat nito sa mga hayop at tuluyang maputol ang paghawa ng rabies papunta sa tao. Katuwang ng ProVet ang Municipal Agriculture Office ng Gloria na pinamumunuan ni Mr. August F. Mantaring, Municipal Agriculturist.

Sa kabuuan, nakapagbakuna ang opisina ng 4,294 na aso at 1,178 na pusa.

source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0apoouZ7gckuiHqRx9u5fkmWe4T6zsN1Eb5hBcxubqwy8QdrCvyQuev1ssjnp1sZvl?rdid=fgF8uyPjkDupC2jk#