11 August 2025 | News by PISD

Upang higit na matugunan ang mga hinaing ng mga pasyente sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) at maisakatuparan ang layunin ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor na maagap na matugunan ang mga suliraning medikal ng ating mga kababayan, naglagay na ng bagong Public Assistance and Complaints Desk sa lobby OMPH sa Barangay Sta. Isabel, Lungsod ng Calapan.
Layunin ng naturang help desk na direktang matugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga pasyente o bantay ng pasyente at mabilis na mabigyan sila ng direksyon sa kanilang mga nararapat na gawin upang maibigay sa kanila ang mga kinakailangan tulong.
Dagdag pa rito, ang mga suliranin sa pagkuha ng serbisyo at gamot ay kaagad na maire- refer sa angkop na unit na makatutugon sa kanilang pangangailangan.
Sa anumang isyu, hinaing o impormasyon, ipinapayo ng pamunuan ng OMPH sa pamumuno ni PHO II/ OIC-Chief of Hospital Dr. Cielo Angela Ante na mas mainam na dumirektang dumulog sa naturang help desk upang hindi na mabiktima pa ng mga fake news na kalimitang nagdudulot ng pagkalito sa mga tao.
Para sa iba pang mga katanungan at impormasyon, maaari ring tumawag sa hotline number 09988425839.
