???????? ???????????? ???????: ?????? ???? ?? ????????? ???????ñ?

8 August 2025 | News by SCD

Pormal na binuksan noong Abril 24, 2022 ang Sentrong Pangkabataan Complex sa Calapan City. At ito ay may seating capacity na 445 at tampok ang modernong basketball court. Dito ginaganap ang intercollegiate league, intertown tournaments at iba’t iba pang kompetisyong pang palakasan. Naidaos na rin dito ang mga prestihiyosong kompetisyon tulad ng The Asian Tournament at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)—patunay ng mataas na kalidad ng pasilidad para sa palakasan.

Bukod sa mga paligsahan, nagsisilbi rin itong lugar para sa sports clinics, training, at iba pang aktibidad na tumutulong sa mamamayan at kabataan na mapaunlad ang kanilang talento at kalusugan. Isinulong ang proyektong ito bilang handog sa kabataang Mindoreño na nag si-simbolo ng pagkalinga at suporta sa kanilang kinabukasan.

source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid027usE1bnmzyXKn1hojdxPq8QiWN25bG6vQk1JR4jZ4DosKshA8eE3yG2g4ctKS3Fal?rdid=lV0wLrRp8IqanN1C#