News by PIO – July 17, 2025

Sama-sama ngayong nanunumpa ang mga tagapangasiwa ng kalusugan sa lalawigan bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa malawak, komprehensibo, at epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon sa Oriental Mindoro.
Isa sa pangunahing nanumpa si Provincial Nutrition Action Officer (PNAO) Dr. Cielo Angela Ante, katuwang ang mga kinatawan mula sa iba’t- ibang bayan at lungsod ng lalawigan. Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng opisyal na implementasyon ng 2025 Tutok Kainan Dietary Supplementation Program (TKDSP), na naglalayong tugunan ang malnutrisyon sa mga buntis na ina at batang edad 6–23 buwan.
Kasunod ng panunumpa ay ang paglagda sa Pledge of Commitment ng lahat ng nakiisa sa programa, kabilang ang mga Municipal Nutrition Action Officers (MNAOs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), mga kasapi ng Sangguniang Bayan na namumuno sa Committee on Health and Nutrition, at mga opisyal at kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan. Gayundin, ang ceremonial distribution ng dry commodities na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo nito.
Ang aktibidad ay nagpapatunay sa iisang layunin ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrasyon ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor at mga lokal na pamahalaan sa lalawigan partikular ang City Government of Calapan na maitaguyod ang mas matatag at malusog na komunidad para sa bawat Calapeño at sa bawat Oriental Mindoreño sang-ayon na rin sa mga programang ipinatutupad ng National Nutrition Council (NNC)-MIMAROPA.
Nakiisa naman sa programa si Sangguniang Panlalawigan Presiding Officer at Vice-Governor CA Jojo Perez, Oriental Mindoro Medical Society (OMMS) President Dr. Ronald Cabral, City Health Officer Dr. Lisa Llanto at iba mga kilalang indibidwal sa sektor ng nutrisyon at kalusugan sa lalawigan.
source: https://www.facebook.com/photo?fbid=1152530176909895&set=pcb.1152443196918593
